<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?>
<urlset xmlns="http://www.sitemaps.org/schemas/sitemap/0.9"
    xmlns:video="http://www.google.com/schemas/sitemap-video/1.1">
  <url>
    <loc>https://mgakabataan.org/VideoSiteMap.xml</loc>
    <video:video>
      <video:thumbnail_loc>https:/mgakabataan.org/Sermons/AndreSimon.jpg</video:thumbnail_loc>
      <video:title>Biyernes Santo: Ang Daan ng Krus ni Hesus. Ang Pag-ibig ni Hesus</video:title>
      <video:description>
        Minsan, may mga araw na ibang-iba ang kinalalabasan kaysa sa naisip mo. Iyan ang nangyari kay Simon ng Cirene. Pinag-isipan niya ang kanyang plano para sa araw na iyon. Sapagkat oo, ang katapusan ng linggong iyon ay ang pagdiriwang ng Paskuwa. Habang naglalakad si Simon sa mga lansangan ng Jerusalem dala ang kanyang iniisip, biglang may nangyaring katángi-tangì na magpapabago ng tuluyan sa buhay niya. Pilit ng isang lalaking bugbog-sarado na kaladkarin ang isang malaking tablón sa kanyang mga balikat. Malapit na siyang dalhin ng mga Romano sa labas ng mga pader ng lungsod, ipapako nila siya sa krus doon. Eh, anong gagawin mo kung bigla kang makakita ng ganyan? Tatalikod ka, hindi ba? At si Simon, mas pipiliin din na lang na magpatuloy sa kanyang buhay. Wala nang kalakasan si Hesus. Ang kanyang pisikal na lakas ay nasa dulo na ng katapusan. At sa kalagayang iyon, hindi kataka-taka kung sakaling bumagsak siyang wala ng buhay doon. Ngunit kung sakaling magkagayon magkakaroon sila ng problema, dahil hindi maisasakatuparan ang hatol. Hindi siya dapat mamatay sa kalye. Dapat siyang mamatay sa pagitan ng langit at lupa, upang makita ito ng lahat bilang isang panunuya, bilang isang kahihiyan, bilang isang sumpa. Si Simon ay nakatayong nanonood nang kaunti lang. Ngunit pagkatapos, siya ay sinunggaban. Dinakma siya ng mga magaspang na kamay ng mga sundalo at napilitan si Simon upang pasanin ang biga ng krus mula kay Hesus.
At nakikita mo na ang mga mata ng lalaki sa ilalim ng biga ay walang bahid ng poot, ngunit sa isang banda mauunawaan mo kung meron man, subalit wala. Hindi sa galit, na maaaring nating maintindihan, ngunit, makikita mo sa mga mata ng lalaki na pasan ang krus ay puno ng pagmamahal. Kinakatagpo ka nang harapan ng nagdurusang Hesus ngayong umaga
Si Simon at Hesus ay hindi magkasamang magdadala sa biga na iyon. Yaong biga na kinuha sa balikat ni Hesus at
na ipinapasan sa balikat ni Simon. Ang pasan sa iyong mga balikat, ito ay mabigat, ito ay magaspang, ito ay matigas, ito ay masakit. At maaari kang magbigay ng iyong sariling interpretasyon sa biga ng krus na iyon. Kakaibang biga, isang biga sa iyong buhay na napakasakit, na napakabigat, na hindi mo hiningi, ngunit iyon ay ipinataw sa iyo. Marahil ay may mga tensyon sa iyong pamilya o mga problema sa trabaho, sa iyong relasyon, sa iyong asawa o sa iyong kalusugan. Ito ba ay pisikal? Psikolohiko ba ito? Ito ba ay espirituwal? Anong krus ang kailangan mong dalhin? Anong pasanin ang nakapatong sa iyo? Hindi mo naman hiniling. Nangyayari ito sa ating lahat, pati sa iyo. Kahit habang nakaupo ka dito. Bilang isang Kristiyano, hindi ka eksemted sa pagdurusa at pasakit. Oo, at pansinin: Napilitan si Simon na pasanin ang krus, ngunit hindi magpakailanman. At pagdating nila pareho sa Golgota, nangyari ang napakalaking himalang. At pagkatapos ay natuklasan niya na mayroong palang poste at hindi siya ipinako sa poste na iyon, kundi si Hesus ang siyang pinako sa krus, ang kahoy, ang biga ay kinuha sa kanyang mga balikat. Sa Golgota, pinahintulutan si Simon na ibigay ang biga na iyon kay Hesus. Doon nagaganap ang sikreto. Doon nagaganap ang pagtubos. Doon nagaganap ang pagpapalaya. Ang iyong pagdurusa, ang iyong pasakit, ang iyong pagkalugmok, ang iyong mga kasalanan. Dalhin mo mga ito sa Panginoong Hesus sa krus ng Golgota. Doon, kukunin Niya ito sa iyo. Sa Golgota maaari kang makipagpalitan, maaari kang makipagpalitan, maaari mong sabihin Panginoong Hesus, narito ang lahat ng aking mga kasalanan, narito ang lahat ng aking pagkakasala, lahat ng pasakit ko. Ito po.
Maaari kang makipagpalit. Maaari kang pumili. Ikaw ba mismo ang magsusuot nito? Saang direksiyon mo ito dadalhin? Ang Golgota ang sikreto, mga minamahal ko. Kung naniniwala ka na inako ni Hesus sa Kanyang sarili ang parusang nararapat sa iyo dahil sa iyong mga kasalanan. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng iyong mga kasalanan sa Kanya, sa pamamagitan ng pagbibigay ng iyong pagdurusa sa Kanya.
      </video:description>
      <video:content_loc>
        https://mgakabataan.org/Sermons/AndreSimon.mp4
      </video:content_loc>
    </video:video>

    <video:video>
      <video:thumbnail_loc>https:/mgakabataan.org/Sermons/Culto1904.jpg</video:thumbnail_loc>
      <video:title>Ang Pasko ng Pagkabuhay ay isang bagong simula, para din sa iyong buhay. Pangaral ni Wilfred Starrenburg</video:title>
      <video:description>
        Ang Pasko ng Pagkabuhay ay isang bagong simula. Ano ang ibig sabihin nito? Mga kapatid, alam nating lahat na may pagdurusa sa buhay. Walang sinuman ang eksemted ngunit hindi tayo dapat manatili sa Daan ng Krus. Ngunit hayaan mo akong bumalik kay Simon ng Cyrene. Ang biga ng krus ay kinuha kay Hesus at puwersahang pinatong sa balikat ni Simon ng Cirene. Kinailangan niyang buhatin ang biga sa Via Dolorosa, ang Daan ng Krus sa Jerusalem, na halos 600 metro at kailangan niyang magdusa sa ilalim ng malupit na biga na iyon, napakabigat mga 30 kilo, mga 15 hanggang 30 minuto kumpara sa kanyang buong buhay [halos wala]. At gayon din ang ating buhay dito sa lupa ay wala kung ikukumpara sa dakilang buhay sa Langit, kung saan ang lahat ay kapayapaan at wala sa makasalanang katawan.
Nakatanggap ako ng maraming larawan ng mga lalaki, babae, mga batang lalaki't babae na walang paa, walang braso, walang paa. Lahat ng mga taong may hika, mga magulang na may mga anak na may Down syndrome, maraming klaseng paghihirap, Parkinson at iba pa. Mga tao, hindi dapat natin pagtuunán ang maikling panahon ng pagdurusa. Dapat tayong tumingin sa Pasko ng Pagkabuhay.
39 We must look to Easter. Si Hesus ay muling nabuhay, hindi na Siya patay. Buhay. Ang paskuwa ay nangangahulugan ng buhay. Bukas ang pinto sa Diyos Ama. Maaasahan natin ang buhay na walang hanggan sa loob ng maraming taon, milyon-milyong taon, bilyon-bilyong taon. Sa bagong buhay na may bagong walang-kasalanang katawan na walang sakit: Pasko ng Pagkabuhay. Iyon ang ibig sabihin nito. Pasko ng Pagkabuhay. Nangangahulugan ito ng kabanalan, kaputian. Tayong [mga Kristiyano] sa lupa ay kailangang mamuhay nang banal. HINDI tumitingin sa mga pelikula sa telebisyon na may kahubaran, imoralidad, pangangalunya. Kung hindi tayo namumuhay nang banal, huwag maging alagad ni Kristo,
may mga kahihinatnan ito. Isang araw pupunta tayo sa Langit at haharap tayo sa hukuman ni Hesus. Ang bawat Kristiyano ay mananagot para sa lahat ng kanyang gawa dito sa lupa kung siya ay nabubuhay ng banal o hindi.
IKAW AY ISANG ANAK NG DIYOS.
Pasko ng Pagkabuhay: Ang walang laman na libingan ay nagpapatunay na si Hesus ay ang tunay na tanging bugtong na Anak ng Diyos. Na tinanggap ng Diyos ang sakripisyo ng Kanyang Anak para sa mga kasalanan ng mga tao. Pinatutunayan din nito na nadaig ni Hesus si Satanas at ang mga demonyo. Binuksan nito ang pinto, ang paraan kung saan tinatanggap ng Kristiyano ang Banal na Espiritu. At ngayon ay naiintindihan na niya ang Bibliya, nananalangin at mayroong komunikasyon sa Diyos Ama. Isang bagong simula, pagpapalaya. Kaya't tayo'y humayo at mamuhay na banal at sa karangalan ng Diyos Ama at ni Hesukristo. Maaari tayong magsaya sa Pasko ng Pagkabuhay. Walang laman ang libingan! Ang nabuhay na mag-uling Hesukristo na pumunta sa Langit. Ang Pasko ng Pagkabuhay, ang bukas na libingan, ay dapat ipahayag. Ngunit mayroon tayong Pasko ng Pagkabuhay. Nasa atin ang kinabukasan. At maaari nating asamin ang ating buhay na walang hanggan sa Langit.
      </video:description>
      <video:content_loc>
        https://mgakabataan.org/Sermons/Culto1904.mp4
      </video:content_loc>
    </video:video>
</url>
</urlset>