Ang Diyos ay kaalaman  

Paglikha, Big Bang o Ebolusyon?

Click on Button FullScreento view fullscreen

>
>

Criação e a Querda
Ang BATAYAN:

Sangnilikha at ang Pagkahulog

Paglikha sa Genesis 1

Ano ang ibig sabihin nito?

Ang lupa ngayon ay walang hugis at anyo, at ang kadiliman ay bumabalot sa kalaliman. Ipinakikita nito na mayroon nang lupa sa simula ng Bibliya, at hindi ito nilikha sa sandaling iyon. Sa simula ng Bibliya, malinaw na nakasaad na ang lupa ay walang hugis at anyo at may kadiliman. Kung isasaalang-alang ang mga heolohikal na paghuhukay at pagtuklas ng mga kalansay ng mga dinosaur, hindi kataka-taka na meron nang lupa. Alinsunod sa arkeolohiko, posibleng isang meteorite ay lumagpak at nagwasak sa lahat ng nabubuhay sa mundo. Nagresulta ito sa isang malawak na kadiliman at hindi matirahang klima at isang malaking baha na sumasakop sa buong mundo. Ang langit ay narumihan ng lahat ng uri ng alikabok, na nagpigil sa sikat ng araw at ang hangin ay nadumihan sa paraang imposible ang mabuhay. Iyan ay maaaring isang paliwanag kung bakit nagsimula ang Bibliya sa: Ang lupa ay walang anyo at nasa kadiliman.
Ang isa pang paliwanag ay maaaring ang digmaan sa pagitan ni satanas at ng ikatlong bahagi ng mga anghel laban sa Panginoong Diyos at Kanyang mga anghel. Maaaring nawasak ang lupa sa digmaang ito. At ang Bibliya ay nagsimula sa bagong paglikha ng sansinukob at lupa. Anuman ang kaso, ang Bibliya ay nagsimula sa paglikha ng unang tao, sa kanyang pananagutan at sa kanyang kinabukasan. Sinasabi ang kuwento ng pagkahulog, ang paghihiwalay ng Diyos at ng tao, ang kanyang kasalanan at galit, ang kaparusahan sa kasalanan at ang posibleng kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesukristo at ang bagong buhay sa kabila ng kamatayan, maaaring pagkawalay sa Diyos o isang bagong buhay sa Langit.

Ang Mundo na nasa kadiliman

1  At sinabi ng Diyos: Magkaroon ng liwanag. Ang Diyos ay Makapangyarihan sa lahat, ipinakikita Niya ang Kanyang lakas at kapangyarihan rito. Ginagawa ng Diyos sa isang araw, linisin ang maruming hangin, upang ang araw ay sumikat muli sa ibabaw ng lupa na nasa kadiliman. Sa panig ng araw ay umaga. Pero sa kabilang banda, mayroon ring gabi, upang ang tao na lilikhain, ay makatulog sa gabi.

Karagatan

2  At sinabi ng Diyos: Magkaroon ng isang kalawakan sa gitna ng tubig, at paghiwalayin ang mga tubig sa mga tubig. Nilikha ng Diyos ang atmospera sa itaas ng lupa, upang iyon ay maging isang paghihiwalay sa pagitan ng baha (tila ang buong mundo ay lubog sa tubig) at ang tubig sa atmospera. Nilikha ng Diyos ang mga ulap, upang umulan, at ang ulan ang magiging bukal ng buhay para sa lahat ng lilikhain sa mundo. Ang ulan ay magdudulot ng buhay. Ang bawat halaman, hayop at tao na lilikhain ng Diyos ay nakasalalay sa (malinis) na tubig. Napakadakila at makapangyarihan ng Diyos.

Pananim at mga halaman

3  At sinabi ng Diyos: Ipunin ang tubig sa silong ng langit sa isang lugar upang lumitaw ang tuyong lupa. Siya ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat. Ang Tagapamahala sa langit at lupa. Ang tubig ay lumisan sa isang banda para magkaroon ng tuyong lugar. Kapag sinuri natin ang mundo at ayon din sa arkeolohiko, ang America at Europa ay malamang nuo'y magkadikit, marahil ganoon din ang Australia at ang New Zealand. Kaya nabuo ang isang malaking karagatan at isang malaking lupain.
At sinabi ng Diyos: Magsibol ang lupa ng mga pananim, mga halaman na namumunga ng binhi at mga punong namumunga. Upang magbigay ng pagkain para sa mga hayop at tao, ang madahong halamanan ay kailangan (at mga puno upang makagawa ng oxygen) at mga namumungang puno para sa pagkain. Dapat din itong magbunga ng binhi, kung hindi ay di magkakaroon ng pagpapalaganap. Lahat ay pinag-isipang mabuti. May plano ang Diyos sa mundo. Siya ay may layunin na lumikha ng mga hayop at tao na maninirahan sa lupa. Narito ang isang napakatalinong Maylikha, ang Diyos na Lumikha ng lahat.
Kaya HINDI kapanipaniwala ang sinasabi ng teorya ng ebolusyon, na ang lahat ay nabuo mula sa isang solong selula. Paanong mula sa isang selula bumuo ng napakaraming pagkakaiba-iba. Unang nabuo bilang isang halaman, pagkatapos ay bilang isang isda, tapos ay isang ibon, isang hayop at sa wakas ay naging isang tao. Paano malilinis ng isang selula ang isang maruming langit, lumikha ng kapaligiran, mga ulap na nagbibigay ng ulan, ihiwalay ang tubig para lumitaw ang tuyong lupa? Ang lahat ay kailangang mangyari sa tamang pagkakasunud-sunod, kung hindi lahat ay mamamatay. Ang isang hayop ay nangangailangan ng pagkain, kaya unang nilikha ang pagkain (mga halaman at mga puno ng prutas). At ang mga puno ay nangangailangan ng ulan. Paano makakalikha ang isang solong selula ng napakaraming pagkakaiba-iba sa pagpaparami: mga buto, itlog, sinapupunan, atbp.? Ang sikat na palaisipan ng itlog at manok?
Ano ang nauna?
Nasaan ang mga pagtuklas na nagpapakita ng pagbabago mula sa halaman sa isda, mula sa isda patungo sa ibon, mula sa ibon patungo sa hayop, mula sa hayop patungo sa tao? At mula sa hayop patungo sa nagsasalita ng tao? Napakaraming nawawalang dugtungan na kailanman hindi makikita sa mga fossil! Bakit tila bang huminto ang ebolusyon, bakit hindi nagkakaroon ng mga bagong (evolved) uri, dahil ayon sa ebolusyon, ang tao ay nandito na sa loob ng milyun-milyong taon. Bakit walang bagong ebolusyon sa mga milyun-milyong taon na nakalipas?
Simple lang, dahil ang isang kotse o isang eroplano ay nangangailangan ng isang matalinong taga-disenyo na nag-iisip nang mabuti para likhain ito. Kaya ang isang matalinong Maylalang na Diyos ay hindi mapagkakaila upang magbigay sa lupa ng mga halaman, isda, hayop at tao.
Ang lahat ng mga tagasunod ng ebolusyon ay sumasang-ayon na ang ilang mga kondisyon ay dapat naroroon, kung hindi, walang anyo ng buhay ang puwedeng mangyari. Hindi ba kataka-taka na sa mundong ito lamang may mga tamang kondisyon: Ang atmospera na may tamang porsyento ng oxygen, isang atmospera na may mga ulap na nagbibigay ng ulan, na nagreresulta ng sariwang tubig upang mapanatili ang buhay sa lupa. Mga puno para sa sirkulasyon ng oxygen. Ang pagikot sa araw at ng buwan, ang pagpapanatili ng tamang temperatura sa mundo (isaalang-alang ang kinatatakutang epekto ng green-house). Ang mundo ay nasa tamang distansya sa araw, kaya mayroong tamang kundisyon para sa buhay. Ang kapaligiran kasama ang ozone nito, na nagpoprotekta sa atin laban sa mapaminsalang UV-radiation. Lahat ba ito ng dahil sa ebolusyon? Kapani-paniwala ba? O mas matimbang na mayroong Manlilikha?
Sa lahat ng mga katotohanang ito, hindi makatuwirang maniwala sa ebolusyon dahil kailangan pausbungin ang lahat sa ilalim ng teorya ng ebolusyon. Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa natutuklasan ng isa sa napakalawak na sansinukob ang kaparehong kondisyon gaya ng sa mundo natin. Bagaman ang agham ay nakita na ang milyon-milyong layo ng kalawakan, wala man lang isang anyo ng buhay na natagpuan. Kahit sa planetang Mars, na may malaking palaisipan kung may tubig o anumang buhay. Hindi ito kataka-taka dahil ang tamong kondisyon ay wala roon, walang atmospera, kaya wala talagang matatagpuang buhay tulad ng sa mundo natin.
Kailangan ko pa bang magbigay ng iba pang mga katibayan na ang teorya ng ebolusyon ay huwad, sa halip ang lahat ng bagay sa mundo ay nilikha ng Panginoong Diyos?

Mga ilaw sa kalawakan

4  At sinabi ng Dios: Magkaroon ng mga liwanag sa kalawakan ng langit. Kung titingnan ang agham ngayon, alam natin na matagal nang may mga bituin sa pasimula ng Bibliya. Kaya mali ba ang Bibliya nang sinabing nilikha ng Diyos ang dalawang dakilang liwanag (ang araw at ang buwan)?
Narito ang isang paliwanag. Ang mga unang kabanata ng Bibliya ay idinikta kay Moises para turuan ang mga Judio. Ito ay idinidikta ng Banal na Espiritu sa paraang mauunawaan ng mga Judio sa panahong iyon.
Hindi iyon lumalabag sa ating kasalukuyang kaalaman sa solar system. Hanggang sa ikalimang araw, ang sikat ng araw at mga ilaw mula sa mga bituin ay nagkalat. Tapos ginagamit ng Diyos ang atmospera upang idirekta ang liwanag ng araw at mga bituin, upang ang liwanag ay sumikat sa lupa at mapagmasdan ng tao ang araw at mga bituin. Subukan mong magtanong sa mga astronaut.
Dito rin, makikita natin ang kapangyarihan ng Diyos, pinamamahalaan Niya ang mga batas ng kalikasan. Ipinapatupad ng Diyos ang Kanyang kalooban sa kalikasan at itinakda ang mga tuntunin at batas nito.
Ngunit ipinahayag na ang buwan ay isang ilaw din, habang alam natin na ang araw lamang ang pinagmumulan ng liwanag. Namamangha ka ba? Ang buwan ay nasa tamang posisyon sa pagitan ng lupa at araw, sa posisyong iyon na nagliliwanag sa lupa sa gabi. Napakamamanghang kaeksaktuhan!
Naiisip mo ba kung nasa ibang lokasyon ito? Laging nasa pagitan ng araw at mundo, kung nagkagayon ang lupa sa loob ng mahabang panahon ay mapapasa-anino ng buwan. At magkakaroon ng malaking iregularidad, malaking pagkakaiba-iba sa temperatura at liwanag, kaya hindi mabubuhay ang mga hayop at tao, sa aking palagay.
Hindi, iyon ay nilikha ng Diyos. At ang buwan ay sumasalamin nang tama sa sikat ng araw sa lupa dahil sa tamang anggulo. Aling mga planeta sa sansinukob ang katulad ng sa atin? Gayundin ang buwan ay matatagpuan sa tamang distansya sa mundo, kaya ang kanyang magnesiyo ay lumilikha ng unti-unting pag-agos. Kung walang pag-agos, magiging imposible ang buhay ng isda sa dagat.
Iyan ba ay ebolusyon o paglikha ng isang Makapangyarihang Diyos?
Dahil sa siklong ito ng araw at gabi, ito ang eksaktong ritmo para sa tao. At dahil sa mga panahon, ang lahat ng buhay sa mundo ay namumunga at nagiging posible ang pagpaparami!
Ebolusyon ba ito o ang paglikha ng Makapangyarihang Diyos?

Mga koral, isda, dolphin at ibon

5  At sinabi ng Diyos: Magsilabasan sa tubig ng mga pulutong ng buhay at hayaang lumipad ang mga ibon sa ibabaw ng lupa sa kalawakan ng langit.
Napakaganda, lahat ng koral, mga isda at malalaking nilalang sa dagat gaya ng mga dolphin at balyena, at maging ang mga ibon na matikas na lumilipad sa kalangitan. Anong kagalakan para sa tao na tamasahin ang tanawin sa ilalim ng dagat at sa kalangitan.
Hindi ba napakaganda at napakalaki ang nilikha ng Diyos?
Hindi ba dapat ingatan ng tao ang lahat ng ito?
Hindi ito ebolusyon, ito ay ang mga kadena ng nutrisyon sa mga karagatan na mahusay na nababagay sa isa't isa, na ang plankton ay ang pagkain para sa mga isda, at ang mga halaman sa ilalim ng tubig para gumawa ng oxygen sa katubigan. Paanong hindi mamamangha ang tao tungkol sa aerodynamics na naroroon upang hayaan ang mga ibon na lumipad o pumailanglang sa kalangitan.
Gaano kalaking pagpupunyagi at enerhiya ang kailangan ng tao para makapaglakbay sa himpapawid sa pamamagitan ng eroplano?
Hindi, ang mga ibon ay may mahusay na idinisenyong likas na aerodynamics na nagbibigay-daan sa kanila upang makalipad nang maganda at may kaunting pagsisikap sa kalangitan. Paano ito magmumula sa isang solong selula, na ang gayong kakayahan ay umiiral tungkol sa aerodynamics upang hayaan ang isang ibon, isang agila o isang tagak na lumipad sa kalangitan? Iyan ang inaangkin ng teorya ng ebolusyon. Ngunit hindi, malinaw na ginawa ito ng Diyos dahil sa Kanyang makapangyarihang kaalaman.

Mga hayop at mga tao

6  At sinabi ng Diyos: Magkaroon ang lupa ng mga nilalang na may buhay ayon sa kanilang mga uri: mga gumagapang na bagay at mga hayop sa lupa ayon sa kanilang mga uri.
Kahanga-hangang nilikha ng Diyos ang kalikasan: mga baka, na gumagawa ng gatas para sa tao, mga asno at mga kabayo upang gumanap ng kapaki-pakinabang na paggawa para sa tao, mga unggoy na matikas na naglalambitin mula puno sa puno, mga elepante sa kanilang kalakasan.
At ano naman ang tao? Siya ay pumapatay at bumabaril para lamang sa pera; ang mga balat ng ahas para gumawa ng maleta, ang garing ng elepante para sa ilegal na kalakalan, at ang listahang ito ay walang hanggan.
Ang mga kagubatan ay pinuputol at sinusunog dahil sa kasakiman sa pera, sinisira ang mga gubat na tahanan ng mga hayop at ginagawang imposible para sa kanila na mabuhay at magparami. Bakit hindi ba kayang malugod ang tao sa nilikha ng Diyos?
Dahil ba sa hindi na kinikilala ng tao ang Diyos bilang Manlilikha? Ang tao ay tumalikod sa Diyos at itinatanggi ang Kanyang pag-iral! Ito ay dahil iniisip ng tao na higit pa ang alam niya kaysa sa Diyos!
Maging mabuti tayong tagapangasiwa at igalang ang lahat ng ibinigay ng Panginoong Diyos para sa ating kasiyahan at galak, at alagaan nang husto ang kalikasan.








At sinabi ng Diyos: Gawin natin (Santisima Trinidad: ang Diyos Ama, and Diyos Anak at ang Diyos Espiritu Santo) ang tao (Adan at Eba) ayon sa ating larawan, ayon sa ating wangis. At pamamahalaan nila ang mga isda sa dagat, mga ibon sa himpapawid, mga hayop sa lupa at ang buong mundo.
Kamangha-mangha ang tao ay bukod tangi. Siya ay hindi isang evolutionaryong bagay mula sa isang solong selula sa halip ay nilikha sa imahe ng Diyos. Napakalaking karangalan na likhain ayon sa larawan ng Diyos ngunit ito ay may kasamang malaking responsibilidad na iniatang ng Diyos sa balikat ng tao; ang tao ay pinagkaloobang mamuno sa mga isda sa dagat, mga ibon, mga hayop, oo maging buong mundo.

Ang tao ay binigyan ng komisyon mula sa Diyos. Ang Diyos ang namamahala sa sansinukob at sa tao. Ang tao ay nilalang ayon sa larawan ng Diyos at pinahintulutang mamahala nang may kalayaan sa kanyang buhay at sa buong mundo.
Nakakalungkot dahil pagkatapos ng 6000 taon, sinisira ng tao ang mga isda, ibon, hayop at ang kalikasan. Nililimas ng tao ang mga lamang-dagat, dinudumhan ang kapaligiran sa pagtapon ng nakakalason sa hangin, sa tubig at sa lupa. Ang kinalabasan; nalalason ang kalikasan maging ang mga buhay na umaasa dito. Ang mga baka ay pinalalahian sa maliliit na espasyo, at ang kagubatan ay pinuputol, ang kapaligiran ay lubhang madumi, na nagreresulta sa lahat ng uri ng mga allergy kontra sa tao. Ito ay isang nakalulungkot na katotohanan tungkol sa iresponsibilidad ng tao, na may kakayahan ding sirain ang buong daigdig gamit ang kanyang mga sandatang atomiko. Dahilan: ang tao ay higit na lumalayo sa Diyos, hinahanap ang kanyang kaligayahan sa materyal na bagay, droga, okultismo, Islam, huwad na pagpapagaling, at marami pang iba.
Napakaganda ng layon ng Diyos: mga isda, mga ibon, mga hayop upang suportahan at maging kagalakan ng tao. Kung saan ang tao ang itinakdang mamahala upang masiyahan ang mga tao!
Bakit ang dami ng paghihirap sa mundo? Hinirang ng Diyos ang tao upang mamahala sa mundo. Kapag hindi naging responsable ang tao, aanihin din niya ang mga kahihinatnan nito. Sagarang pangingisda sa karagatan, pagpuputol ng mga kakahuyan at kagubatan. Ang resulta ay ang pagbabaha at maging buong nayon ay natatabunan ng putik, at ang mga sakit ay tumataas dahil sa katotohanan na ang mga mikrobyo ay hindi maaaring umatras sa kagubatan (ito ay napatunayang siyentipiko). At bukod sa mga ito, ang panahon ay hindi maayos na nagreresulta sa mga malalaking sakuna.
Kaya ang dapat sisihin ay ang tao, hindi ang Diyos.
Ang tao rin ay may pananagutan sa kanyang kapwa, na pangalagaan ang mga nagugutom at may sakit (maging sa mga mahihirap na bansa) at hindi maging masama o mapoot sa kanyang kapwa, lalo pa ang pumatay o kumitil ng buhay. Iyan ang responsibilidad na ibinigay ng Diyos sa tao at HINDI nararapat na sisihin natin ang Diyos ukol dito.
Ang simbahan ay nawawalan ng laman

7  Nang matapos ng Diyos sa ikaanim na araw ng Kanyang gawain, nagpahinga siya sa ikapitong araw ng linggo.
Ipinakilala ng Diyos ang Sabbath, na pagkatapos ng anim na araw ng paggawa, ang tao ay dapat magpahinga mula sa kanyang mga gawain. At ano ang ginagawa ng tao? Ngayon ang tao ay nagtatrabaho ng pitong araw sa isang linggo, ang mga tindahan ay bukas ng Linggo, at ang tao ay hindi naglalaan ng anumang oras upang isipin o isaalang-alang ang Diyos.
Nagresulta ito sa pagiging agresibo (kapag ang isa ay pagod at walang nagpapahinga, ito'y puwedeng magresulta sa agresyon). Ang kriminalidad ay tumataas nang napakabilis (ang mga tuntunin at pamantayan ay lumabo, lahat ay kinukunsinti, hindi na tinuturo ang pagpapahalagang Kristiyano). Ang mag-asawa ay parehong nagtatrabaho at walang naiiwan para magturo ng mga alituntunin at pamantayan sa mga bata na may pagmamahal. Ang mga simbahan ay nawawalan ng laman dahil din sa mga teologo na masyadong maluwag at napakamapagparaya sa mga turo ng Bibliya at kasalanan. Kaya ang tao iniiwan ang mga alituntunin at pamantayan na tinuturo ng Bibliya.

Walang komunidad tuwing Linggo, wala nang dumadalaw sa isa't isa, sa buong linggo wala nang dumadalaw sa maysakit o kahit tumawag man lang. Masyadong okupado ang tao (kasi parehong nagtatrabaho), kaya ang dahilan ay kailangan mamalengke o kaya'y masyadong pagod dahil hindi nga nagpapahinga sa ikapitong araw.

Mag-aral ng BibliyaTularan natin ang halimbawa ng Diyos at bigyang kahalagahan ang kapahingahan tuwing Linggo. Ang tao ay nangangailangan ng isang araw sa isang linggo upang magpahinga at dapat gamitin ito upang magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa Diyos at sa kapwa-mamamayan. Siyempre, hindi lahat ay may kakayahang gawin ito sa Linggo, ang pag-aalaga ay kinakailangan 24 oras sa isang araw, pitong araw sa isang linggo. Ngunit mayroon din silang isang araw sa isang linggong pahinga na magagamit nila para makasama ang Diyos.
Kapag ang mga hindi mananampalataya ay walang paggalang sa araw ng pahinga, tayong mga mananampalataya ay dapat sumunod upang ipakita na tayo ay iba. Huwag pumunta sa mga libangan tuwing Linggo, huwag mamili ng Linggo. Dapat gampanan ng bawat mananampalataya ang kanyang responsibilidad sa Panginoong Diyos at kay Hesukristo.
Hayaan ang tao na magkaroon ng paggalang sa Diyos, Siya ay may dahilan kung bakit kailangan ng tao na magpahinga sa Linggo. Ang tao ay hindi nilikha (at hindi rin niya kaya) na magtrabaho nang pitong araw sa isang linggo, bawat linggo ng taon. Kaya nga ang isang araw sa isang linggo ang Diyos mismo ang nagtatag para sa ikabubuti ng tao, upang pasiglahin ang katawan at espiritu.

At gamitin natin itong isang araw sa isang linggo upang makasama ang Diyos at ang Kanyang Salita, upang pag-aralan ang Bibliya, upang malaman kung ano ang nais Niyang sabihin sa atin.