Ano ang kahalagahang makikita ng mga Kabataan sa Bibliya at kay Hesus?
Ginagawa at isinasalin ang website
Biblikal na teksto para sa araw na ito? Biblikal na teksto
Until January 24, NO SERMONS due to other activities
The 2 names of Christ: Jesus and Emanuel Sermon in Portuguese, English subtitles | The three messages of Christmas Sermon in Portuguese, English subtitles |
The forgotten man of Christmas Sermon in Portuguese, English subtitles |
The 2 names of Christ: Jesus and Emanuel
Sermon in Portuguese, English subtitles
Basahin ang Bibliya sa Tagalog | Basahin ang The New Living Bible (Ingles) ditoNew Living Bible na may mga link | Hebrew/Greek Interlinear Bible |
Hayaang lumapit sa Akin ang maliliit na bata
Sinabi ni Hesus, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang pagbawalan sapagkat ang mga katulad nila ang mapapabilang sa kaharian ng langit.”
Mateo 19 :14
Ang mga kabataan, mga tinedyer ay malugod na tinatanggap sa Webiste upang maunawaan ang Bibliya at si Hesus
Pinahahalagahan mo ba ang mga kabataan?
Magbigay tayo ng mga sagot!
Ang Bibliya ay isang espirituwal na aklat, kaya kapag binasa mo ito kailangan mong hilingin sa Diyos na buksan ang iyong mga mata.
Dito kami ay magbibigay ng mga paliwanag.
Ikaw ay mahalaga sa Diyos, ikaw ay isang Perlas sa Kanya, gusto ka Niyang tulungan.
Paglikha, Big Bang o Ebolusyon?
Ano ang totoo? Ayon sa teorya ng Big Bang, ang uniberso ay 13.83 bilyong taong gulang. Gayunpaman, Ang edad na ito ay hindi aktwal na naisukat nang direkta, ngunit resulta mula sa isang paghahambing sa pagitan ng teorya at pagmamasid ng agham. Ayon sa Bibliya nang nagsimula ang Diyos sa Kanyang paglikha, ang daigdig ay walang anyo at walang laman (ang mundo ay nariyan na, ito ang nagpapaliwanag kung bakit may mga fossil ng mga dinosaur). Sinabi ng Diyos na Siya ay walang hanggan. Ang 13.83 bilyong taon ay tunay na mahabang panahon, ngunit hindi maipaliwanag ng tao ang simula. Ang Big Bang at ang TEORYA ng ebolusyon ay hindi mga konkretong siyentipikong katotohanan, sa halip batay lamang sa mga pagpapalagay ng tao kaya hindi ito makapagpaliwanag. Ang Panginoong Diyos ang tanging kayang magbigay linaw dito dahil sabi nga Niya; "Ako ang Alpha at ang Omega, ang una at ang huli, ang simula at ang wakas.” (Pahayag 22:13).
Ang Big Bang ay nangangailangan ng bagay. Ang ebolusyon ay nangangailangan ng isang cell kung saan nagmumula daw ang lahat. Ang Diyos, Siya ay walang hanggan at Siya lamang ang may kayang ipaliwanag ang buong sangnilikha (mga halaman, mga hayop at maging ang pagiging kumplikado ng tao).
Ang buong sansinukob ay binubuo ng 200 bilyong trilyon na bituin.
Ang Magandang Balita
Sinasabi ng mga siyentipiko at mga teorista ng ebolusyon na tayo ay nasa proseso ng pag-unlad, gayunpaman tumingin lamang sa ating paligid upang makita ang kabaligtaran. 6000 taon na ang nakalilipas noong ang tao ay nabuhay nang higit sa 900 taon, ngunit ang inaasahan sa buhay ngayon ay pangkaraniwang 80 taon lamang. Sumasalungat ito sa sinasabi nilang pag-unlad. Ngayon nakikita natin ang mga digmaan sa Ukraine, Syria, Afghanistan, bilang isang resulta, at ang mga presyo ng pagkain ay hindi bumababa at ang kagutuman sa mundo ay tumataas din. Kaya ito ay nagpapatunay na ang mga siyentipiko ay mali. Ang mga tao ay hindi gusto ng anumang tungkol sa Diyos, isang Diyos na nakatataas sa kanila. Kaya ang kasalanan ay pumasok sa mundo 6,000 taon na ang nakalilipas, at sinimulan ng mga tao na guluhin ang mundo sa matinding polusyon ng kapaligiran at pagkasira ng buhay. Walang tunay na sagot ang agham sa mga virus tulad ng CoVid.
Ang Bibliya ay isang makatotohanang aklat na naglalarawan ng mabuti at masama. Sa simula pa lang ay ayaw na ng tao na malaman ang anumang bagay tungkol sa Diyos. Isang Diyos na nakatataas at mas naka-aalam sa kanya.
May maaasahan pa ba ako sa hinaharap?
Oo, ANG MABUTING BALITA, ANG EBANGHELYO. Nakita ng Diyos na ang tao ay walang kakayahang pangalagaan ang kanyang sarili. Hindi matutubos ng tao ang kanyang sarili mula sa kasalanan. Kaya nga naparito si Hesus sa lupa upang mamatay para sa mga kasalanan ng tao. Sinasabi ito ng Bibliya sa Juan 3:16; "Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan." Naisulat na sa Bibliya ang nakaraan at ang hinaharap. Ang taong tumatanggap kay Hesukristo bilang personal na Tagapagligtas at Panginoon ay magkakamit ng buhay na walang hanggan kasama ng Diyos. Ngunit ang sinumang tumanggi sa kaloob na ito ay mahihiwalay sa Diyos magpakailanman, at pagkatapos ng kamatayan ay mauuwi sa isang kakila-kilabot na lugar.
Ikaw ay isang perlas sa mata ng Diyos
Mayroon ka bang mga paghihirap sa iyong buhay?
Bakit ako nabubuhay? Lahat na lang ng masama ay nasa buhay ko!
Bakit ako nabubuhay pa?
Walang maganda sa mundong ito
Panalangin
Ang panalangin ay pakikipag-usap sa Diyos Ama, na naninirahan sa Langit at nagnanais na pangalagaan ang Kanyang mga anak sa lahat ng pagdurusa ng kahirapan, pag-uusig, karamdaman at kapansanan.
Nakipag-usap ka sa iyong ama sa lupa. Nagpapasalamat ka sa kanyang tulong at inaasahan mong bibigyan ka niya ng pagkain at tirahan. Bilang isang anak, humihingi ka sa kanya ng payo at tulong. At nagtitiwala kang masasandigan mo siya sa iyong pang-araw-araw na buhay, maging sa iyong pag-aaral. Sa kaparehong paraan, makakalapit ang mga Kristiyano sa Diyos Ama. Sa panalangin, ibuhos ang iyong puso, o gaya ng sinasabi ng Bibliya sa Roma 8:26-27; "Gayundin naman, tinutulungan tayo ng [Banal na] Espiritu sa ating kahinaan sapagkat hindi tayo marunong manalangin nang nararapat, kaya't ang Espiritu ang namamagitan para sa atin, at dumaraing sa paraang hindi natin kayang sambitin. 27 At ang Diyos na siyang nakakasaliksik sa puso ng tao, ang siyang nakakaalam kung ano ang kalooban ng Espiritu, sapagkat ang Espiritu ang namamagitan para sa atin, ayon sa kalooban ng Diyos."
Maaari kang humingi ng tulong sa Diyos Ama sa kaso ng karamdaman, kapansanan at pagkawala ng isang mahal sa buhay. Ngunit maaari mo ring ipagdasal ang iba, ang iyong mga kaibigan, mga kapitbahay, mga katrabaho, espirituwal na pinuno, at kahit sino man.
Pahayag
"Kung ano ang hatid ng hinaharap", sabi ng isang Dutch na kanta. Saan tayo patungo sa ating bansa? Mayroon pa bang hinaharap sa kakila-kilabot na mundong ito ng mga digmaan, gutom, karahasan at pagnanakaw kung minsan ay may kasamang pagpatay? Sa huling aklat ng Pahayag sa Bibliya, sinasabi nito sa atin kung ano ang kahihinatnan ng daigdig at ng tao. Ang mga propesiya ay hindi kathang kuwento. Ang aklat na ito ay isinulat mga 2000 taon na ang nakararaan ni apostol Juan, isang alagad ni Hesus. Ipinakita sa kanya ni Hesukristo kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Nakita ni John ang mga bagay na kakaiba noong kanyang panahon, kailangan niyang ilarawan ang mga bagay na ito. Ngunit ngayon sa ika-21 siglo, lumawak na ang kaalaman ng tao at maraming bagay na ang naiintindihan natin sa kanyang isinalarawan. Kapag sinira ang 7 selyo at tumunog ang mga trumpeta, ang ikatlong bahagi ng mundo ay mawawasak. Ngayong alam natin ang pagninirang kaya ng sandatang nuklear, mayroon tayong mga larawan ng pagwasak ng bombang atomika sa Hiroshima at Nagasaki. Ang dagat na nagiging pula ay posible dahil alam natin ang pagputok ng bulkan na may kasamang paglindol at sunami ay puwedeng kumitil ng mga buhay sa karagatan na maaaring magdulot ng pagka-pula ng dagat. Ang posibilidad na ang isang malaking kometa ay tatama sa mundo at dadaan sa atmospera bitbit ang mga lason na sisira ng buhay sa mundo at ikukubli ang araw at buwan. Sa Switzerland mayroon nang 3 libong tao na may isang maliit na microchip (kasing laki ng butil ng bigas) sa kanilang kamay, ngunit hindi pa rin ito ang 666 na marka ng halimaw. Pero malinaw na ipinahihiwatig ng mga ito na malapit nang magsimula ang Malaking Kapighatian. Ang isa pang patunay ay ang Estado ng Israel ay itinatag noong 1948 at ang mga Hudyo ay nagsibalikan na sa Lupang Pangako (katuparan ng Ezekiel 36-37). Sa Dakilang Kapighatian marami ang tatanggi sa Diyos. At ang mabuting balita ay: matapos lumipas ang poot ng Diyos at matalo si satanas, magsisimula ang Kaharian ni Kristo kung saan kakain ng damo pareho ang leon at ang tupa.
Mga sagot sa mga madalas na katanungan (FAQ) ng mga hindi mananampalataya at Kristiyano
Namumuhay ako ng maayos tulad ng karaniwang tao. Ako ba ay makasalanan? Imposible! Ngunit gusto kong tanggapin ang Panginoong Jesucristo bilang aking personal na Tagapagligtas. Paano ko ito gagawin? Pagkatapos kong magdasal, ano na ang mangyayari?
Ang Diyos ay pag-ibig, sabi iba. Pero totoo ba ito?
Puwede ka bang makatiyak sa iyong kaligtasan?
Nagdarasal ako, ngunit walang anumang nararanasang katuparan ng panalangin. May katuturan bang manalangin?
May katuturan bang ipagdasal ang isang maysakit?
Ang pagbibigay ba ng iyong ikapu ay isang obligasyon?
Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa mga kabataan?
Ano ang ibig sabihin ng pagiging bata? Ano ang kailangang marinig ng mga kabataan ngayon? Ano ang ibig sabihin ng katagang kabataan?
MGA PAKSA
Sino si
Sino ang Diyos?
Sino si Hesus?
Sino ang Banal na Espiritu?
Sino (ano) ang isang Kristiyano?
Sa ilalim ng pamamahala ng Banal na Espiritu?
Puspos ng Banal na Espiritu
Ano ito?
Ano ang Pasko?
Ano ang kamatayan ni Hesus?
Ano ang Pasko ng Pagkabuhay?
Ano ang Pag-akyat sa Langit sa Pentecostes?
Ano ang Bautismo?
Ano ang Banal na Hapunan?
Ano ang Pag-aaral ng Bibliya?
Ano ang Buhay Kristiyano?
Ano ang ikapu?
Ano ang plano ng Diyos sa atin?
Ano ang plano ng Diyos sa siglong ito?
Para kanino at para saan tayo nagdarasal?
at higit pa
Higit sa 30 paksa
Pagsundo sa Simbahan (Rapture)
Pagpipigil sa sarili
Kawanggawa
Selos
Sakit
Mga Pagpipilian
Pananampalataya
Pagkabigo
Impiyerno
Macumba
Poot
Plano ng Diyos
Kadalisayan
Mga tatu
at higit pa
ESPIRITUWAL NA PAGLAGO
Pagtibayin ang Espirituwal na Buhay
Magtayo kay Jesucristo
Magtayo gamit ang ginto, pilak at mahalagang bato
Huwag manatili sa kadiliman
Kadalisayan sa pananalita at puso
Mamuhay ng walang kasalanan
Tekstong Bibliya
Isang teksto sa Bibliya para hikayatin ka
at pagtibayin ang iyong espirituwal na buhay
MGA PAG-AARAL NG BIBLIYA
Nehemias Pag-aaral ng Bibliya
Nagbibigay ng paliwanag sa bawat talata. Ano ang mga aral na matututuhan natin sa buhay ni Nehemias bilang isang mananampalataya? Disipulo, panlalamig, takdang-gawain, pagtatayo, Si Nehemias bilang isang imahe ni Hesus, mga paghihirap, pag-aaral ng Bibliya ukol sa pananampalataya. Ang pag-aaral ng Bibliya ay nagpapakita ng tiyaga ni Nehemias, ang kanyang pakikibaka upang muling itayo ang mga pader ng Jerusalem. Nagbibigay ito ng mahahalagang aral para sa pakikibaka ng mga Kristiyano.
Pag-aaral ng Bibliya ng Corinto
Nagbibigay ng paliwanag sa bawat talata. Ano ang ibig sabihin ng humarap ang mananampalataya sa luklukan ng paghatol ni Kristo at maging responsable sa kanyang buhay sa Lupa? Ang mabubuting manggagawa ay tatanggap ng kabayaran mula kay Hesus. Ang mga hindi mapagkakatiwalaang manggagawa ay maliligtas pero sadyang dadaan sa apoy. Ang Kristiyano ay isang sagradong templo. Ang Espiritu Santo ay nabubuhay sa loob ng Kristiyano.
Galacia Pag-aaral ng Bibliya
Nagbibigay ng paliwanag sa bawat talata. Sinasabi sa atin ng pag-aaral ng Bibliya sa Galacia kung paano naging at kinilala apostol si Pablo. Ang Ebanghelyo: Pagpapawalang-sala sa pamamagitan ng batas o sa pamamagitan ng pananampalataya? Kalayaan ng Kristiyano. Laman o Espiritu? Libing o pagsusunog ng bangkay, o malayang makapamili? Pinapayagan ba ang mga tatu o malaya kang makapamili? Paano mo nalulugod ang Diyos? Mahalin mo ang batas, ang Torah. Ano ang mga gawaing makalaman? Ano ang mga gawa ng ESPIRITU?
Pag-aaral ng Bibliya ng Efeso
Nagbibigay ng paliwanag sa bawat talata. Itapon ang dating buhay at lumakad sa bagong buhay sa ilalim ng patnubay ng Banal na Espiritu. Huwag apulain ang Banal na Espiritu. Pananalangin para sa mga Kristiyano. Kawal ng Panginoong Hesukristo. Mga kagamitang pandigma sa Efeso 6. Tinatakan ng Banal na Espiritu.
The Good News Mission EZBB
Rua Clóvis Líra 246, Nova Parnamirim,
Parnamirim - RN
Brazil
(0055)(84) 99142 5210
Tungkol sa May-akda
Ang manunulat ng mga pag-aaral sa Bibliya ay si Wilfred René Starrenburg. Una siyang sumailalim sa isang teknikal na pagsasanay sa sasakyang panghimpapawid (ground engineer) at nagtapos sa HTS computer science (bachelor degree). Nagtrabaho sa Iran, Sweden, Ireland, England at Netherlands.
3 taong panloob na edukasyon sa paaralan ng bibliya. Nakatira sa Brazil kasama ang kanyang asawa at dalawang anak.